Tulang 'di para sa akin.


May karamihan nadin ang tulang nagawa ko, pili, gawa para isang mumunting alala ng isang tao sa  buhay ko. Isang tanda ng mga bagay pinagdaanan ko, isang marka na sa pagsabi ng mga problemang to, ipinadaan ko sa mga letra at sa papel inilimbag na pagkatapos ng ilang libong taon sa sining aking iaambag.

 Talaga ngang buhay kona ang sining ng tula, talagang kahit buhay kona ang laman na nito ay nakakagulat at may takot padin pala. Gulat na makita nila ang di totoong ako dahil sa kulay, sukat at tugma na nasa mga letra. At takot na makilala nila kung sino ako base sa mensahe, bigat at dedikasyon ng bawat bigkas ng tulang alay para sayo.

Pero isang napakalaking tanong na bumabagabag sa isip ko, kailan ba ang ang huling panahon na aking natatandaan, na nakabasa ako ng tulang para sakin,

isang tula, isang tulang di saakin ang gawa.

Mensahe ng pag-ibig na inabot para sakin, mensahe ng pag-ibig na ginamit ang sarili kong estilo laban sakin. Mensahe ng pag-ibig na kahit kelan diko matitikman at mensahe ng pag-ibig na kahit minsan diko pa nasisilayan.
Sa libu-libong tula na naiambag ko, ni isa wala pang gumawa ng tula na para sa ngalan ko. Pagkukulang koba? Na wag na ipakita ang aking nadarama? Kayat sadyang nahihirapan ka? Na gumawa ng tulang para sakin upang maipakita na?

Kung sa Pag-ibig na mensahe sadyang ako'y uhaw na. Kung  sa pag-ibig mo ang buhay ko, ako'y naghihinalo na. Sadya bang sinadya niyo? Na magusap usap kayo na walang susulat ng tulang kaytagal na ng paghihintay ko. Tulang marka ng pag-ibig at tulang di mapuputol ng kahit anong titig?

Kaya, sa tulang ito ilalabas ko ang nais ng puso at tengang maramdaman at marinig to, na kahit isang saknong, na kahit walang tugma na kahit minadali mo lang na isulat sa isang pirasong papel na medyo lukot na, kahit na dimo intensyong pasayahin ako, kahit na medyo alam ko na dimo din naman kayang gawin to. Sana makabasa naman ako, ng isang tulang kahit papaano di sakin ang gawa ngunit para sakin ang bawat tugma.

Comments

Popular posts from this blog

If you will ever leave me

Hey It's me