Posts

Showing posts from August, 2017

Takot na akong mamatay

Noong una’y walang takot sa makamundong paglalakbay Sapagkat ito’y normal na daanan na tayo’y ipinapanday Magdamagang lakara’y paa’y sadyang tunay na sanay Matapang na sumusuong sa kadaliman at lumbay. Sugo ni bathala paa ma’y tuluyang magpantay Sa iyong pagdating kabanata’y nagbagong tunay Buhay na sadyang kay lungkot nilagyan mo ng kulay Malabo man tayo sa totoong buhay, Pag-irog ko sa ngalan mo ay sadyang dakila at tunay, Ngayo’y nakita ka’t ulo’y sayo ay dumantay Maaari bang maging alipin at ako’y iyong maging bantay? Pag-ibig kong ito 'di laging sukdulan, paminsa’y lantay ngunit ito’y sa araw-araw manantiling buhay, Pangako, walang araw na mararamdamang tila may patay Naksama ka't naramdaman ang ligayang tunay. Marahil hindi na bibitaw hanggang sa kabilang buhay, Mga salita ko'y ililimbang at gawin mo itong patunay, kung hindi pa din mawari, isama mo ito sa ating hukay Kaya't ngayon nag-iingat na ako, at ayokong s...