Takot na akong mamatay
Noong una’y walang
takot sa makamundong paglalakbay
Sapagkat ito’y normal na
daanan na tayo’y ipinapanday
Magdamagang lakara’y
paa’y sadyang tunay na sanay
Matapang na sumusuong sa
kadaliman at lumbay.
Sugo ni bathala paa
ma’y tuluyang magpantay
Sa iyong pagdating
kabanata’y nagbagong tunay
Buhay na sadyang kay
lungkot nilagyan mo ng kulay
Malabo man tayo sa
totoong buhay,
Pag-irog ko sa ngalan
mo ay sadyang dakila at tunay,
Ngayo’y nakita ka’t
ulo’y sayo ay dumantay
Maaari bang maging
alipin at ako’y iyong maging bantay?
Pag-ibig kong ito 'di
laging sukdulan, paminsa’y lantay
ngunit ito’y sa araw-araw
manantiling buhay,
Pangako, walang araw
na mararamdamang tila may patay
Naksama ka't naramdaman ang ligayang tunay.
Marahil hindi na bibitaw hanggang sa kabilang buhay,
Mga salita ko'y ililimbang at gawin mo itong patunay,
kung hindi pa din mawari, isama mo ito sa ating hukay
Kaya't ngayon nag-iingat na ako, at
ayokong sa malayo maglakbay
Takot sa mga dating
kalyeng aking binabaybay
Masugid na pinipili
ang daan saba’y alalay sa aking saklay
Pagkat ayoko nang
mamatay simulan ng ika'y mangyari sa aking buhay
Takot akong hindi ka
kasama sa susunod na kabanata
Naubos na ang way,
tugma’y sadyang lupaypay
Ganito ang lumbay, kapag ikaw tuluyan nang humiwalay
Ngunit tinig, at
pintig ng aking buhay sa’yo lamang iaalay.
Hindi ako duwag na sadyang ayaw ialay ang aking buhay,
Takot na ako na ngayo'y mamatay,
'pagkat ayoko na ika’y maiwan sa ating pangakong paglalakbay.
'pagkat ayoko na ika’y maiwan sa ating pangakong paglalakbay.
Comments
Post a Comment