Kung Iiwan mo ako

Kung iiwan mo ako,
Bigyan mo naman sana ako ng pagkakataon, na makasama ka sa huling sandali mo sa piling ko.
Hayaan mo naman akong aminin ko, kung gaano ko iniibig ang bawat ngiti mo, kung bakit sa bawat galaw mo'y inaabangan ko, kung sa paanong paraan naman kaya ngayon titibok ng mabilis ang puso ko,
Kung sa nangugusap na ngiti ba ng iyong mga mata, kung sa paglapat ba ng titik sa aking tainga na ako sayo ay mahalaga, o sa bawat haplos ng palad mo sa aking balikat na pag papaalala na mag-iingat ka. Kung iiwan mo man ako, hayaan mo naman sana na madama ko ang mga ito, sa huling pagkakataon.

Sa huling pagkakataon hawakan mo nang mahigpit ang mga kamay ko, hindi upang 'wag kang bumigay, pero sa huling pagkakataon, hayaan mong kumapit ako sa'yo upang sa paglayo mo, hatakin mo ako sa todong pagkakabaon ko sa alaala ng pag-ibig ko saiyo, para hindi ako tuluyang malunod. At pag alam ko na, na hindi na ako makakasama, bitaw na.

Sa huling pagkakataon tignan mo ko 'wag saaking mga mata, tignan mo ako sa aking kaluluwa, tignan mo ang laman ng puso't isipan ko, tignan mo ang libu-libong larawan mo, tignan mo na kahit sa mga alaalang iiwan mo, bitbitin mo ang lahat ng kasya sa maletang baon mo, upang hindi na dumagdag sa bigat ng pasanin ko, sa huling pagkakataon, tignan mo'ko ng sobrang saya, tignan mo'ko bilang nagmamahal sa'yo at upang makita ko sa huling pagkakataon, ang di mabanggit banggit ng dila mo, na mahal mo rin ako.

Sa huling pagkakataon, pabaunan mo ako ng mga salita na mag-iingat ako, na kumain ng tama, na matulog ng maaga, na masama ang madalas na kape sa kalusugan, at hindi tama na mag-isip ako masyado sa kasalukuyan dahil mangyayari ang dapat mangyari, pabaunan mo ako na parang normal lang ang langit, na walang kulog nang pag-iwan, walang kidlat ng paghihinagpis, pabaunan mo ako, na parang uuwi ka lang at magkikita ulit bukas tayo, pabaunan mo ako na parang isang dipa lang ang layo ng pupuntahan mo.

At kung iiwan mo ako,
Tigilan mo na ang pagbigay ng masasayang alaala, tigilan mo na ang pangungumusta at saakin ay biglang pag-alala, bigyan mo ako ng away, sampalin mo ako gamit ang katotohanan na hindi mo ako mahal, na hindi ako mahalaga, ipakita mo sakin na ginamit mo lang ako. Bigyan mo ako ng dahilan upang maging mas mabilis ang paglimot ko, at ng hindi malumot ang pag-ibig ko, bigyan mo'ko ng balitang ikakamatay ko, kasi hindi ko narin naman alam kung paano mabubuhay sa balitang iiwan mo narin naman pala ako.

Comments

Popular posts from this blog

Tulang 'di para sa akin.

If you will ever leave me

Hey It's me