Naghihintay ako sa'yo

Naghihintay ako sa'yo
Sa umaga
Sa bawat unang pagkurap ng iyong mga mata sa araw-araw, ituring mo ito bilang pintuan ng pagtingin ko sa'yo na kahit minsan ay hindi magsasarado ng tuluyan, hindi aalis ng tingin sa'yo, kukurap lang paminsan minsan kung naluluha 'to pero babalik at babalik pa 'rin sa'yo.

Sa tanghali,
Sa katirikan ng araw, mahal kita. Ituring mo ito bilang liwanag ng pag-ibig ko, na sa bawat araw ay 'sing init ng liyab nito sa balat mo na matutusta ka ng pag-ibig ko, masusunog ka, kukunat ka, mararamdaman mo ang lapnos ng aking pagmamahal ngunit,

Sa Gabi,
'pag lahat ay nahihimbing na, mamahalin kita sa tahimik at dilim ng umaga, sa pagod at sa ilalim ngnapakalambot mo na kama, mamahalin kita na parang ingay ng kuliglig sa dilim, alam mong nandyan, pero dimo alam kung saan paparating, tulad ng pag-irog ko sa'yo, andito lang sa tabi-tabi handa at kahit dimo alam kung saan pa nanggagaling ay ito, umiibig at umiibig parin.

Sa araw-araw asahan mo na mamahalin kita sa huling pagkakataon. Literal, sa ngayon ilalagay ko muna sa kahon, ang metapora ng pag-ibig ko sa'yo lilinangin at hihinangin para sa pagbabalik mo, sing kintab ng ginto ang pag-ibig ko sa'yo. Habang hinihintay ang muling pag-ibig mo.

Comments

Popular posts from this blog

Tulang 'di para sa akin.

If you will ever leave me

Hey It's me