Tulang masaya
Isang storyang umiikot sa buhay na puno ng kulay at ligaya,
tulang masaya, tulang malayo sa galit inis at sama ng loob at
lalo sa pang aalipusta, tulang sandalan ng mga taong sadyang
tutumba na, tulang magbabangon sayo sa bagong pag asa at
tulang tutulong sayo na di kana magkamaling bumasa ng
direksyon ng buhay kahit wala kamamang kainaing kalabasa.
Tulang masaya, tulang nagpapaasa sating dalawa, tulang di
sumusuko sa mga pangyayari na nangyari sating dalawa,
tulang walang ibang ginawa kundi ang pasayahin at patawanin
ka tulang di ka aangasan at di mang iiwan lubhang papatawarin
ka. Tulang diko na alam kung paano susundan, tulang di kona
alam kung paano pa isusulat at tulang diko na alam kung
paano pa maiuulat pagkat alam ko din naman na sadyang dina
ako makasulat ng tulang tulad ng ganyan,dahil kailangan ko
nadin naman yan.
Dinako makasulat ng tulang masaya, Dahil
sa isang bagyong puminsala sa pundasyon kong pagkakatibay
tibay upang maging masaya, pundasyong nawala na dahil
pagdaan ng bagyo ay umalis siyang kasama.. kasama, oo
iniwan mo ako na parang pokpok na di nabayaran, iniwan mo
ako na parang taxi na tumatakbo ang metro at bigla nalang
pinabayaan, Oo iniwan mo ako, iniwan mo ako iwan iwan ang
responsibilidad na mahalin kita at mahalin ko ang sarili ko. Oo
aaminin ko nahirapan ako, Na kahit sinong Doktor, Nurse o
Albularyo di kayang tukuyin ang sakit ko, Oo nasasaktan ako.
Na sa dinami dami ng pagmamahal kong baon sayo,
binalewala mo. Oo Galit ako sayo, Sa pag sugal na akoy mahal
mo pero di naman tinaya ang paninindigan mo. Bakit nahihiya
kaba? Nahihiyang makita na kasama mo ang walang kwentang
ako, Nahihiyang makita nila dahil minamaliit nila ako?
Nahihiyang malaman nila na nilulunod moko sa salitang mahal
mo ako? Nahihiyang malaman nila na ako, pagkat sabi nila di
ako karapat dapat sayo?
Kung nahihiya kang kasama ako, naihihiya akong dinamayan pa
kita.
Kung nahihiya kang makita nila tayo, mas nahihiya akong ikay
sinamahan pa,
Kung nahihiya kang sabihin na mahal mo ako, mas nahihiya
akong sabihin na minahal pa kita.
Oo nagdaramdam ako sayo, Oo Masama ang loob ko, Oo galit
ako Oo, Nahihirapan na ako. Oo Mahal kita! Pero Oo, kung
tinatanong mo, Oo sinisisi kita. Kasi Dahil sa pananakit mo
kinailangan kong maging masaya, Oo Kinamumunghian kita,
kasi dahil sayo dina ako makasulat sulat ng kahit isang tulang
masaya.

Comments
Post a Comment