'pag yumaman ako
Pag yuman ako, pag sobrang dami na ng pera ko, gagawa ako ng isang laro na pangmayayaman. Batuhan ng pera, imbis na bola ang gamit sa pag tira ng kalaban pera, Hindi Bente, Hindi din naman barya. Siguro tig-iisang libo na nilukot at pinagdikit dikit, binuo at binilog na hugis halos ng isang magulang na buko.
Babatuhin ang taya at pwedeng saluhin 'to pag nasalo mo, sayo na. Ansaya diba?
Tapos papasayahin lahat ng kabataang malungkot sa kalye na makikita ko. Papagawan ko sila ng isang karnabal na magpapasaya sakanila kahit hindi pa naman pasko, pagagawan ko sila ng dambuhalang Carousell na mas malaki pa sa isang Rancho. Pero hindi yun ang nagpamahal dun, dahil ang gamit nito ay hindi kuryente at makinarya, totoong mga kalesa at mga kabayo ang nasa loob nito.
Oo, bibilihin ko lahat ng kabayo na aking makikita sa Luneta na nakatambay kanina, Bagiuo yung di kulay ang buhok at may litrato pa kanina, Yung kabayo ni Mang Berting na nakasalubong ko kanina, at siguro para makarame at makamura mamimili rin ako sa Raon at Divisoria. Para mas marami at mas masaya diba?
Maglalagay din ako ng Bump Car, yung may mga kotse na nagbabangaan at nagkakatuwaan.
Pero para magkainteres ang lahat na magmamaneho at di maging sobrang ordinaryo, Lamborghini at ferrari ang ilalagay ko. Banggaan lang ng baggan hanggat kaya ng sasakyan at pag nasira, agad agad ko itong papalitan.
At ganyan, ganyan ang mangyayari kapag ako ay yumaman ibabahagi ko sa iba at hindi ko ito kukunin sa kaban ng bayan, Oo hindi ako magnanakaw dahil alam ko ang pakiramdam nang mawalan, di ako gagawa ng masama dahil alam ko ang sakit ng maagawan. Ayoko din naman kumuha ng pera na diko manlang pinaghirapan dahil alam ko ang paraan na mapadali ang kalakaran pero alam kodin naman na hindi tama ang magmadali, dahil lahat ng nakuha mo ng madalian, mawawala nalang sayo ng biglaan. Na dimo man lang namamalayan.
Pag yumaman ako, Bibilihin ko ang lahat ng pagmamahal ng mundo. Bibilihin ko lahat ng pag-ibig na ipinagdamot mo, lahat ng pag ibig na binigay ko, bibilihin ko pabalik. Para ako, matikman kona, at masuportahan ang aking matagal tagal ng pananabik, sa pag-ibig na kahit ilang tula na ang nagawa hindi man lang makabalik balik. Oo, At kahit hindi mabibili ng pera ay sisiguraduhin ko. Na sa kahit sa huling sentimo ng barya sa bulsa ko, pag ibig na diko naramdaman at pinagkait mo ang bibilihin ko.

Comments
Post a Comment